Higit 90 magsasaka, volunteers inaresto sa Tarlac | Balitaan

2022-06-10 369

Inaresto ng pulisya ang mahigit siyamnapung magsasaka at volunteers sa isang sakahan sa Concepcion. Tarlac. Ayon sa alternative media outlet na "AlterMidya', nagsasagawa ng'bungkalan' o paghahanda sa lupang pagtatamnan sa Hacienda Tinang nang biglang dumating ang mga pulis kasama si Concepcion mayor-elect Noel Villanueva.

Sabi ng mga magsasaka, ibinigay sa kanila ng Agrarian Reform Department ang bahagi ng dalawandaang ektaryang lupain. May hawak din daw silang Certificate of Land Ownership award. Pero sabi ng pulisya, illegal ang ginawang pagtitipon at pagbubungkal na sumira sa mga pananim. Sasampahan daw ng patong-patong na kaso ang mga inaresto kabilang ang malicious mischief, obstruction of justice at illegal assembly.

Makakausap natin si Tarlac Police Public Information Officer Police Lieutenant Jenny Tolentino.


Visit our website for more #NewsYouCanTrust: https://www.cnnphilippines.com/

Follow our social media pages:

• Facebook: https://www.facebook.com/CNNPhilippines
• Instagram: https://www.instagram.com/cnnphilippines/
• Twitter: https://twitter.com/cnnphilippines